Mga dapat gawin bago mangibang-bansa

Mahirap.

Ganyan ang buhay OFW. Mahirap ang trabaho. Mahirap, dahil pagkatapos ng isang araw sa trabaho, hindi mo mauuwian ang pamilya mo.

Ngunit sa kabila nito, handa silang magsakripisyo.

Ikaw, bilang isang bagong OFW, handa ka na ba sa panibagong buhay na tatahakin mo?

Ang dami mong kailangang gawin at matutunan bago ka lumipad. Matutulungan ka ng Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) nang husto sa iyong paghahanda. Mula general information tungkol sa bansang iyong patutunguhan hanggang sa mga diskarte kung paano mo mas maaalagaan ang perang kikitain, napakahalaga ng mga ibabahagi nila rito.